Ayon na rin sa DOH website, ang Covid-19 Hazard Pay at Covid-19 Special Risk Allowance (SRA) ay binabayaran sa panahon ng ECQ at MECQ.
Qualified naman makatanggap ng Hazard Pay ang mga regular, contractual, or casual government personnel and workers engaged under COS or JO na authorized na physically magreport para sa trabaho during ECQ.
Ayon din sa DOH, applicable ang SRA sa mga public health workers (PHWs) kasama na ang medical, allied medical, and other personnel assigned in hospitals and healthcare facilities na directly catering to or in contact with Covid-19 patients, persons under investigation (PUIs) or persons under monitoring (PUMs).
Kinakailangan naman na ang PHW ay nagbibigay ng critical at urgent services to respond to public health emergency habang ECQ; pwedeng civilian employees na regular, contractual or casual employee na full-time or part-time basis, or engaged through COS or JO, basta assigned sa hospitals or healthcare facilities; at kailangan physically nagrereport for work sa kanilang opisina or station sa prescribed official working hours as authorized ng head of agency/office habang ECQ.
Pwede kayong sumangguni sa infographic na ito ng DBM: https://www.dbm.gov.ph/wp-content/uploads/AboutDBM/FAQs-on-COVID-Hazard-Pay-and-SRA.pdf.