Ayon sa Labor Advisory 06-2020 mula sa Department of Labor and Employment, required ang employer na mag-issue ng certificate of employment within 3 days ng inyong request.
Kung di sumunod sa nabanggit, pwedeng ireklamo sa kinauukulan ang employer sa pamamagitan ng pagsampa ng reklamo sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito: https://sena.dole.gov.ph/.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.