Kahit wala nang employer at independent na ngayon- pwedeng ipagpatuloy ang coverage at benefits ng SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG.
Una, ang Social Security System (o SSS) ay nilalayong protektahan ang members sa panganib na maaaring dala ng kapansanan, pagbubuntis, pagtanda, o iba pang financial burdens. Kasama d’yan ang pagbibigay ng:
- a) Sickness Benefit
- b) Unemployment Benefit
- c) Permanent Disability Benefit
- d) Retirement Benefit
- e) Death and Funeral Benefit
Covered ng SSS ang self-employed o freelancers , at kailangan lang i-update ang status ng membership sa SSS.
For more information: i-contact ang lokal na SSS office sa inyong lugar: https://www.sss.gov.ph/sss/showBranchDirectory.action o pumunta sa https://www.sss.gov.ph
Pangalawa, ang PhilHealth naman ay para sa mga pangangailangang medikal. Meron itong benefits para sa:
- a) Inpatient hospital care (room, services, medicines)
- b) Outpatient care (diagnostic, laboratory, medical examination)
- c) Emergency servies
Covered din nito ang self-earning individuals, at ang mga nasa informal sector. I-contact ang PhilHealth sa mga numero dito:
https://www.philhealth.gov.ph/about_us/map/regional.htm o bisitahin ang https://www.philhealth.gov.ph/services/
Huli, ang Pag-IBIG ay para sa pangangailangan sa tirahan, at nagpo-provide ito ng housing loans, at savings and investment options.
Pwedeng maging voluntary member ng Pag-IBIG, para makuha ang benefits na ito.
Bisitahin lang ang https://www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/ o https://www.pagibigfund.gov.ph/contactus.html for more information.