Para sa ating mga nanay, sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law (R.A. 11210), may nakalaang Maternity Leave na 105 days with full pay, sa public o private sector man, at anuman ang civil status- kasal man o hindi. Available ito in every instance of pregnancy, regardless of frequency.
Kung solo parent rin ang nanay- additional na additional 15 days sa maternity leave with full pay.
Ang panahon ng leave, pwedeng i-distribute bago at pagkatapos manganak, basta ang naiwang leave pagka-panganak ay not less than 60 days.
May option ring i-extend ang maternal leave for an additional 30 days, without pay, basta may notice sa employer.
Ang nanay- pwede ring mag-allocate ng 7 days mula sa kanyang maternity leave para sa tatay ng anak- kasal man sila o hindi. Ang 7 days- dagdag pa sa Paternity Leave ng tatay, kung entitled siya dito.
Para sating mga tatay naman:
Sa Paternity Leave Act (R.A. 8187) — Paternity Leave na 7 days with full pay, sa public o private sector man. Pero para sa mga tatay- kailangang kasal para ma-enjoy ang benefit na ito.
Available ito para sa first four (4) deliveries ng asawang kasama niya sa bahay.
Kinikilala ng batas na mahalaga ang panahon sa pamilya- lalo na sa mga unang araw at buwan ng sanggol.