Hindi ipinagbabawal ang pag-record ng mga pangyayari ng police operations, lalo na kung ito ay naganap sa isang pampublikong lugar. Maaaring i-record ang operasyon ng law enforcement, basta hindi ito magiging hadlang sa lehitimong operasyon nila. Hindi ito nasasakop ng Anti-Wiretapping Act (na siyang nagbabawal ng pasikretong pag-record o intercept ng pribadong komunikasyon), sapagkat ang lehitimong operasyon ng pulisya sa kanilang official capacity ay likas na public. Ibig sabihin, walang “reasonable expectation of privacy” upang ito ay pumasok sa Anti-Wiretapping Act. Siguraduhin lamang na ang video ay gagamitin sa wastong paraan at sa paraang mapoprotektahan ang iyong mga karapatan at hindi para gumawa ng krimen.
Para sa karagdagang impormasyon, maaaring sumangguni sa sumusunod na posts na nagdi-discuss ng tanong nito: