Hindi naman ito pinagbabawal talaga subalit maaari kasing lumabag sa ating Data Privacy Act kung may mga personal information na masasali sa post.
Ayon sa Data Privacy Act (“DPA”), meron tayong karapatan na maprotektahan ang ating personal information at masiguradong gagamitin lamang ito para sa mga layuning sinang-ayunan natin, o para sa mga lehitimong layuning naaayon sa batas. Para legal na magamit ang personal information ng iba sa anumang paraan, kailangang expressly nagbigay ito ng consent o pahintulot, o kaya naman ay may legal na basehan para gawin ito.
Naipaliwanag na ng National Privacy Commission (“NPC,” ang ahensya ng gobyerno na nag-iimplement ng DPA) na ang pangalan at prima ay itinuturing na personal information. Ibig sabihin, sakop ito ng DPA. Sa pag-post ng certificate, sa pangkalahatan ay kailangan ng consent mula sa sangkot (ang Dean at VP). Kung wala namang consent, kailangan patunayan na may lehitimong rason para sa pag-post, at kailangang gawin ang pag-post para sa layuning ito.
Habang may reasonable expectation ang Dean at VP na gagamitin ang certificate sa mga usual na transaksyon (pag-apply sa ibang school o trabaho), maaaring sabihin na labas na sa sakop ng intensyon ang pag-post ng kanilang pangalan at pirma online.
Para sa karagdagang klaripikasyon tungkol sa DPA, maaaring sumangguni sa NPC sa mga numerong makikita sa sumusunod na link: https://www.privacy.gov.ph/askpriva/.