Kung tapos na ang clearance at wala namang utang o accountabilities sa employer , dapat ibigay niya agad ang huling sahod sa tauhan nito na nag-resign.
Ayon sa DOLE Guidelines on the Payment of Final Pay and Issuance of Certificate of Employment (Labor Advisory No. 06, s. 2020), dapat i-release ng employer ang Final Pay, within 30 days from the date of separation or termination of employment, unless may favorable company policy o collective agreement na nagsasabing dapat mas mabilis pa dito.
Ang kasama sa final pay- lahat ng trinabahong sahod at monetary benefits, kasama ang:
- a) Unpaid earned salary
- b) Cash conversion of unused Service Incentive Leave (SIL)
- c) Pro-rated 13th month pay
Kung humingi naman ng Certificate of Employment, dapat itong ibigay ng employer within 3 days from the time of the request.
Kung delayed ang employer sa pagbigay ng nararapat, pwede itong i-reklamo sa DOLE Regional Office na may sakop sa pinagtatrabahuan.
Ang contact details ng DOLE Regional Offices ay makikita sa link na ito: https://ble.dole.gov.ph/dole-regional-offices/
Pwede ring tumawag sa DOLE Hotline: DOLE Hotline: 1349.