Para sa mga dispute na sakop ng Katarungang Pambarangay, kailangan munang dumaan sa barangay, at hindi pwedeng dumiretso sa korte nang walang CFA o “Certification to File Action.”
Kung magsampa agad ng kaso sa korte — pwedeng i-dismiss lang ito.
Ngayon, anong mga dispute ang sakop ng awtoridad ng barangay?
Una — ang magka-alitan ay parehong indibidwal;
Pangalawa — sila ay residente ng parehong syudad o munisipyo; at
Pangatlo — ang paksa ng alitan ay pasok sa jurisdiction ng barangay.
In general, pasok ang lahat ng disputes sa jurisdiction ng barangay, at may natatanging exceptions lang.
Ilan sa exceptions na hindi kailangang dumaan sa barangay ang sumusunod:
- a) Mga reklamo sa ahensya ng gobyerno o sa trabaho ng mga opisyal;
- b) Mga krimen kung saan ang parusa ay pagkakakulong na lagpas 1 year o multa lagpas P5,000.00;
- c) Mga alitan kung ang akusado ay naka-detain na;
- d) Mga alitan sangkot ang real properties na nasa iba’t-ibang syudad o munisipyo; at
- a) Mga labor dispute na nagmula mula sa employer-employee relations.
Sadyang malawak ang awtoridad ng barangay, dahil ang layunin ng batas:
Sikapin na magkaroon muna ng pagkakaayos sa loob ng komunidad, bago dalhin ang alitan sa korte.
Kung seryosohin ang proseso ng Katarungang Pambarangay, posibleng makakuha ng resolusyon at hustisya, nang bawas gastos at hassle sa mga magka-alitan.
Sa prosesong ito, kung magkaroon ng kasunduan at gumawa ng Amicable Settlement- ito ay force and effect ng desisyon ng korte, at pwedeng piliting mag-comply sa kasunduan ang ka-away.
Kaya talagang makakatulong kung sa level ng barangay ay maaayos ang mga alitan.
Ang CFA o Certification to File Action, ini-issue lang kung nagkaroon na ng harapan at pag-uusap ang magka-away sa harap ng Punong Barangay at ng Pangkat Tagapakasundo, at talagang hindi makahanap ng pagkakasunduan.
Kung dumaan na sa proseso at nag-issue na ng CFA ang barangay, doon lamang pwedeng isampa ang kaso sa korte.
Para akin, magandang mekaminsmo ang Katarungang Pambarangay para makaiwas aksáya sa panahon, pera, at sakit sa ulo na karaniwang dala ng kaso sa korte.