Hindi pwedeng basta arestuhin ang sinuman, kung walang Warrant of Arrest mula sa huwes.
Sa batas, piling-pili lang ang tinutukoy na exception dito.
Sa Revised Rules on Criminal Proecudre, pwede lang ang warrantless arrest kung:
- Una- sa harap mismo ng pulis- ang taong aarestuhin ay gumawa, kasulukuyang gumagawa, o nasa gitna ng paggawa ng krimen;
- Pangalawa- may krimeng kagagawa lang, at may probable cause base personal na kaalaman ng pangyayari, na ang taong aaresuthin ang siyang gumawa ng krimen (o tinatawag ring “hot pursuit”); o
- Pangatlo- ang taong aarestuhin ay tumakas mula sa kulungan.
Sa hot pursuit, dapat kagaganap lang ng krimen, at may basehan para magpasya na ang suspect nga ang gumawa nito. At hindi sapat na basehan ang anonymous tip o sabi-sabi lang.
Kung wala sa exceptions ang warrantless arrest, anumang ebidensyang nakuha mula dito ay hindi pwedeng gamitin sa korte.
Bukod d’yan- krimen ang Unlawful Arrest sa ilalim ng Article 269 ng Revised Penal Code.
Kung mangyari ito sa inyo, manatiling kalmado at huwag tutulan ng pisikal ang pag-aresto.
Ipahayag ang malakas na pagtutol sa unlawful arrest.
I-contact agad ang inyong pamilya at mga kaibigan para ipaalam ang sitwasyon, at magpatulong na kumuha ng abogado. Karapatan mo ito- at hindi pwedeng pigilang humingi ng tulong ng abogado.
Nasa Konstitusyon ang karapatan nating maging ligtas mula sa unlawful arrest, at may parusa sa paggawa nito.