Ang iba’t ibang government agencies, including GOCCs, ay pinapayagang mangontrata ng mga government entities, private firms or individuals, at NGOs para sa mga services na related or incidental sa kanilang functions and operations, whether part-time or full-time basis. Ayon sa mga nagdaang executive issuances at General Appropriations Act, ang mga kinontratang ito ay hindi covered ng Civil Service Law, rules and regulations at ang mga serbisyo sa ilalim ng JO arrangement ay hindi considered as government service.
Ang Job Order arrangement ay isang uri ng employment arrangement na karaniwang inaalok ng gobyerno para sa mga trabaho na maiksi at tiyak na tagal at kadalasan ay para lamang sa isang tiyak na trabaho. Bagama’t hindi garantiya na mauuwi sa regular na employment ang pagtatrabaho sa gobyerno sa ilalim ng Job Order, ang polisiya naman ng gobyerno ay bigyang prayoridad ang mga nagtatrabaho sa ilalim ng Job Order kung ma-meet ang qualification requirements para sa bakanteng posisyon.
Maaaring sumangguni sa CSC-COA-DBM Joint Circular No. 1, series of 2017 para malaman ang mga karapatan ng isang Job Order employee. Gayunpaman, hindi kasama dito ang guarantee na magiging regular employee ang JO employee.
Maipapayo sa isang JO employee na icheck ang mga bakanteng posisyon kung saan maaaring qualified na siyang mag-apply para sa isang permanenteng position sa link na ito: http://csc.gov.ph/career/