Kailangang malaman kung ang mga sumusunod ay present upang masabing nag-attach na ang double jeopardy:
(a) Valid indictment o sakdal;
(b) Ang sakdal ay nakasampa sa isang korte na may jurisdiction sa krimen at sa pinangyarihan ng krimen;
(c) Natapos na ang arraignment (pagbasa ng sakdal) ng akusado;
(d) Nag-enter ng valid plea (“guilty” or “not guilty”) ang akusado;
(e) Nadismiss ang kaso o naterminate nang walang express consent ng akusado; at
(f) Ang pangalawang kasong nais isampa ay para sa parehas na offense ng sa unang kaso na nadismiss.
Kung ang lahat ng mga requisite na nabanggit sa taas ay present, masasabing nag-attach na ang double jeopardy at hindi na pwede pang muling buksan ang kaso. Isang exception dito ay kung ang korteng nagdismiss ng kaso ay mapapatunayang nagkaroon ng grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction. Sa ganitong sitwasyon, maaaring mag-file ng isang Petition for Certiorari ngunit pinapaalala namin na ang ganitong hakbang ay maaari lamang gawin kung talagang wala nang iba pang prosesong pwedeng ihain upang mabaliktad ang pagkakadismiss ng kaso.