Kahit walang pasok, puwedeng mapakinabangan ng mga estudyante ang student fare discount, basta kayo ay enrolled!
Sa Student Fare Discount Act o Republic Act No. 11314, may 20% discount sa pamasahe ng estudyante sa mga elementary, secondary, technical-vocational, o higher education institutions.
Dapat itong ibigay sa lahat ng public transportation utilities, kasama na ang buses, jeepneys, tricycles, taxis, at passenger trains.
Kailangan lang ipakita ang duly-issued school identification cards o School ID.
Epektibo ito habang enrolled kayo sa school- at kahit weekend at holiday.
Ang land transport utilities na tumangging magbigay ng discount- ay pwedeng ireklamo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB. I-note ang detalye ng pangyayari, kasama ang plate number ng sinakyan, at i-report sa LTFRB Hotline 1342, Public Assistance & Complaint Desk at (02) 8925-7366, o email sa complaints@ltfrb.gov.ph.
May angkop na parusa rito-
Para sa driver- suspension ng driver’s license hanggang tatlong buwan at multa na P1,000.
At para naman sa operator land public transportation utility- multa hanggang P15,000 at pwedeng ipakansela ang lisensyang mag-operate kung paulit-ulit ang violation.
Tungkulin ng gobyernong suportahan ang edukasyon ng ating mga estudyante, at ang student fare discount ay isa sa mga paraan para rito.
Sana nakatulong ito, and sana ay pagbutihin ninyo ang pag-aaral.