Depende ito kung mayroong survivorship agreement ang mga may-ari ng joint account o isang kasunduan na mapupunta ang pera sa bank account sa maiiwang buhay kung ang isa ay mamatay. Kung mayroon po, ito ay valid kung hindi ginamit ang nasabing survivorship agreement upang maviolate ang batas kagaya ng paggawa nito upang magawa ang isang donation na otherwise ay bawal sa batas, kung ang pagexecute ng agreement ay para mailipat ang mga properties na may panlilinlang sa mga pinagkakautangan, or kung ito ay ginawa upang mawalan ng mana ang isang heir o tagapagmana nang hindi ito nadisinherit sa isang will.
Kung wala naman pong survivorship agreement, mapupunta ang pera sa mga tagapagmana ng yumao matapos lamang nilang bayaran ang mga kaukulang estate taxes para dito sa BIR.