Sa Anti-Violence Against Women and their Children Act (RA 9262), ang hindi pagbibigay ng sapat na sustento sa anak ay itinuturing na karahasan at pinaparusahan bilang krimen.
Economic Abuse
Sa Section 5(e), ang ‘di pagbibigay ng nararapat na sustento ay may parusa na. Ayon sa Korte, “Deprivation or denial of support, by itself, is already specifically penalized.”
Bukod pa,
“Economic abuse is not only the absolute refusal to provide financial support, but also the act of ‘deliberately providing the woman’s children insufficient financial support[.]’ Thus, the financial support must be sufficient to meet the needs of the woman and her child, considering the resources and means of the one obliged to provide.”
Section 5(e) ng RA 9262
Ibig sabihin, ang sustento ay dapat sapat base sa pangangailangan ng anak, at sa kakayahang magbigay ng hinihingan.
Kung hindi, itinuturing itong economic abuse at pinaparusahan ng pagkakakulong mula anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon
Mental or Emotional Anguish
Sa Section 5(i) naman, ang ‘di pagbigay ng tamang sustento ay pinaparusahan bilang causing mental or emotional anguish kung ito ay sadya at nakadulot ng pagdurus.
Sa offense na ito, kailangang patunayan ang sumusunod na elements:
Section 5(i) ng RA 9262
- The offended party is a woman and/or her child or children;
- The woman is either the wife or former wife of the offender, or is a woman with whom the offender has or had a sexual or dating relationship, or is a woman with whom such offender has a common child. As for the woman’s child or children, they may be legitimate or illegitimate, or living within or without the family abode;
- The offender willfully refuses to give or consciously denies the woman and/or her child or children financial support that is legally due her and/or her child or children; and
- (The offender denied the woman and/or her child or children the financial support for the purpose of causing the woman and/or her child or children mental or emotional anguish.
Para sa mental or emotional anguish, may mas mataas pang parusa sa VAWC, na pagkakakulong from six (6) years and one (1) day to twelve (12) years.
Sa parehong kaso, bukod sa kulong ay kailangang magbayad ng multa na hindi bababa sa P100,000 ngunit hindi hihigit sa P300,000.00, at kailangang sumailalim sa mandatory mandatory psychological counseling.
Barangay Protection Order
Sa VAWC, may mabilis na remedyo para sa nakakaranas ng violence against women and children ang Protection Order. Dito, iuutos na itigil ang ginagawang abuso, at maaaring isama ang utos na magbigay ng tamang sustento sa anak.
Puwedeng mag-apply ng Protection Order sa Barangay (“BPO”) kung saan kayo o ang hinihingan ng sustento ay nakatira, at effective ito for fifteen (15) days. Para sa mas mahabang bisa, maaaaring mag-apply para sa Temporary o Permanent Protection Order (“TPO” o “PPO”) sa Family Court sa inyong lugar.
Ang mga tatay ay dapat responsable para sa kanilang anak- at may batas para siguruhin ang pagharap dito.