Kung sa inyong palagay ay may violations ang barangay official, pwede pong sumangguni sa Section 60 ng Local Government Code kung saan ang mga sumusunod ang grounds for disciplinary actions (disciplined, suspended, or removed from office) laban sa isang elective local official:
(a) Disloyalty to the Republic of the Philippines;
(b) Culpable violation of the Constitution;
(c) Dishonesty, oppression, misconduct in office, gross negligence, or dereliction of duty;
(d) Commission of any offense involving moral turpitude or an offense punishable by at least prision mayor;
(e) Abuse of authority;
(f) Unauthorized absence for fifteen (15) consecutive working days, except in the case of members of the sangguniang panlalawigan, sangguniang panlungsod, sangguniang bayan, and sangguniang barangay;
(g) Application for, or acquisition of, foreign citizenship or residence or the status of an immigrant of another country; and
(h) Such other grounds as may be provided in this Code and other laws.
Ayon naman sa Article 61, ang anumang complaint laban sa isang elective barangay official (kasama ang SK chairman) ay kailangan isampa sa sangguniang panlungsod or sangguniang bayan na may jurisdiction sa barangay na involved. Kung magdesisyon ang sanggunian na kailangan tanggalin ang barangay official, magdedesisyon silang isampa ang kaso sa korte para ang korte ang humusga kung dapat ngang tanggalin ang opisyal.
Ang complaint ay dapat verified ng complainant, ibig sabihin, ipapanotaryo at susumpaan ng complainant na ang mga nakasaad sa complaint ay pawang katotohanan base sa kanyang personal knowledge or official documents na hawak niya. Magkakaroon naman ang respondent ng pagkakataon na ipaliwanag ang kanyang panig sa pagsagot sa complaint at sa mga hearings. Pwede ring magkaroon ng preventive suspension laban sa respondent kung ang evidence of guilt ay strong at kung mabigat ang akusasyon laban sa kanya.
Maaari rin kayong magtanong sa local na DILG office sa inyong lugar tungkol dito. Narito ang webpage nila ukol sa mga regional offices ng DILG. Iclick lamang sa mapa ang DILG sa region na may sakop sa inyong barangay: https://www.dilg.gov.ph/regional-offices/.