Hindi ito pwede. Kailangan pa rin na hingin ang pahintulot ng asawa bago ito mabenta ng isa lamang sa kanila. Isang option din kung hiwalay na ang mag-asawa ay dumaan sa proseso ng judicial separation of property. Pwede rin pong magsampa ng petition para mapawalang-bisa ang kasal dahil kasama sa desisyon ng korte dito ang separation ng property ng mag-asawa.