Ayon sa Article 1240 ng Civil Code, “payment shall be made to the person in whose favor the obligation has been constituted, or his successor, or any person authorized to receive it.” Dahil dito, ang pagbayad sa maling tao ay hindi nag-eextinguish ng obligation to pay, if there is no fault or negligence na maisisisi sa nagpautang.
Kung ang pagbayad sa nasabing tao ay dahil sa fault (kasalanan) or negligence (kapabayaan) ng nagpautang, pwede itong gawing depensa para sabihing dapat ituring na bayad na ang utang.
Gayunpaman, aming pinapaalala na sa huli, ang mga korte ang siyang may kakayahan magdetermine kung ang nasabing kapabayaan ng nagpautang ay maituturing na negligence na siyang maituturing na full payment na ng utang.