Saklaw ng Articles 147 at 148 ng Family Code ang mga pagsasama ng hindi kasal na lalaki at babae. In general, tinuturing na co-ownership ang relasyon ng nagsasama pagdating sa kanilang mga properties.
Ang Article 147 ay tumutukoy sa mga pagsasama kung saan walang hadlang para makapagpakasal ang nagsasama. Ayon dito, tinuturing na hati ang nagsasama sa lahat ng kanilang kinikita at mga nabiling properties. Assumed din na pantay ang kanilang effort at ambag sa lahat ng properties na nabili unless may ebidensiyang magpapatunay ng tunay na hatian nila sa effort at ambag. Kahit walang financial na ambag pero may effort sa pag-aruga at pagtaguyod at pagmaintain ng household ay assumed na may ambag na rin.
Ang Article 148 naman ay tumutukoy sa mga pagsasamang hindi saklaw ng Article 147 o mga pagsasamang may hadlang sa pagpapakasal. Bagamat assumed pa rin na hati ang nagsasama sa effort sa pagbili ng properties, tanging ang mga properties lamang na totoong nabili through joint efforts ang may assumption na pantay ang kanilang share. Kung ang isa sa mga nagsasama ay may valid marriage pa, ang kanyang share sa co-ownership ay mapupunta sa conjugal or community property ng kanyang valid marriage.