Ang karapatan sa kustodiya ay awtomatikong naipapasa sa mga kamag-anak ng bata, batay sa pagkakasunod-sunod na itinakda ng Family Code:
“Article 214. In case of death, absence or unsuitability of the parents, substitute parental authority shall be exercised by the surviving grandparent. In case several survive, the one designated by the court, taking into account the same consideration mentioned in the preceding article, shall exercise the authority.”
Kung hindi pa nakakapaghain ng kaso sa Korte, ang karapatan sa kustodiya ay awtomatikong ipinapasa sa mga sumusunod:
- Sa mga nabubuhay na lolo at lola, gaya ng tinatakda ng Art. 214;
- Sa pinakamatandang kapatid, na higit 21 anyos ang edad, maliban na lang kung hindi karapat-dapat o hindi kuwalipikado; at
- Aktuwal na tagapag-alaga ng bata, na higit 21 anyos ang edad, maliban na lang kung hindi karapat-dapat o hindi kuwalipikado.