Hindi po. Maaari pong masaklaw ang ginawang pagpapakasal muli sa bagong kinakasama ng krimen ng Bigamy. Ang elements nito ay:
(1) mayroon na siyang valid na kasal; (2) hindi pa legally dissolved ang nasabing marriage; (3) muling nagpakasal ang akusado; (4) ang ikalawang kasal ay sumunod sa lahat ng requisites ng valid marriage maliban na lamang sa existence ng unang kasal. Ang kasong ito ay may kaukulang parusang kulong at/o multa.
Ayon kasi sa ating batas, para makapagpakasal muli, kailangan munang magsampa ng petition sa korte para sa Annulment or Declaration of Nullity ng naunang kasal at kailangan muna maglabas ang korte ng desisyon na sinasabing wala nang bisa ang unang kasal. Hanggang hindi lumalabas ang desisyon ay valid pa rin ang unang kasal.