Ayon sa ating Revised Penal Code (RPC), ang iba’t ibang krimen ay may magkakaibang prescriptive period o period kung kailan pwedeng isampa ang kaso at kung lumagpas man sa period na iyon ay hindi na maaaring isampa ang kaso. Nakadepende ang periods na ito sa karampatang parusang nakasaad sa batas ukol sa krimen na isasampa.
Kung rape case po, ang karampatang parusa para sa rape case ay nagsisimula sa prision mayor (6 years and 1 day to 12 years) hanggang sa reclusion perpetua (20 years and 1 day to 40 years). Ayon sa RPC, para sa mga krimen na pinaparusahan ng reclusion perpetua at reclusion temporal, ang prescriptive period ay 20 years. Para naman sa iba pang afflictive penalties (kasama ang prision mayor), ang prescriptive period ay 15 years.
Para naman sa acts of lasciviousness, ito ay pwedeng isampa 10 years matapos itong mangyari.