Hindi pwedeng parehong abogado or law office ang may hawak ng kaso para sa magkabilang panig. Considered itong Conflict of Interest na mahigpit na pinagbabawal para sa mga abogado.
Kung PAO na ang may hawak ng kaso para sa isang panig, hindi na pwedeng hawakan ng PAO ang kabilang panig sa kaso.
Para naman sa impormasyon ukol sa persons qualified for legal assistance ng PAO, narito ang link: https://pao.gov.ph/page.php?id=28.
Ang Public Attorney’s Office ay may mga numerong (02) 8929-9436; (02) 84262075; (02) 84262801; (02) 84262450; (02) 84262987; (02) 84262683 (gamitin ang Local 106/107). Maaari ring magpadala ng email sa pao_executive@yahoo.com. Kung nais niyong i-contact ang lokal na PAO office sa inyong lokasyon, makikita ang mga numero sa link na ito: https://pao.gov.ph/page.php?id=22.