Ayon sa R.A. No. 11223 o ang Universal Health Care Act, lahat ng Pilipino, kahit hindi sapat ang kanilang contributions, ay mayroong immediate eligibility ang bawat Philhealth member sa lahat ng PhilHealth benefit packages sa ilalim ng National Health Insurance Program. Ang benefit packages ay binibigay sa PhilHealth accredited hospitals at health care institutions.
Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay may benepisyong matatanggap mula sa Philhealth. Mainam tignan kung ang mga hospital na kinauukulan ay accredited ng PhilHealth. Kailangan din tignan kung ang dahilan ng pagkaka-ospital ay covered ng benepisyo ng Philhealth.
Para sa karagdagang klaripikasyon, maaari kayong tumawag sa PhilHealth Call Center Hotline 8441-7442 o sa mga contact details na makikita sa sumusunod na link: https://www.philhealth.gov.ph/about_us/map/regional.htm.
Maaari rin kayong sumangguni sa website ng Philhealth ukol sa mga benefits na meron para sa mga members nito sa sumusunod na link: https://www.philhealth.gov.ph/benefits/.