Maaaring legal ito. Ayon sa Labor Advisory 17-2020 ng DOLE, pinapayagan ang mga sumusunod na flexible work arrangements (FWA) upang maiwasan ang pagtanggal sa mga employees:
- Work-from-home arrangements;
- Transfer ng empleyado sa ibang branch or outlet ng employer;
- Pag-assign ng empleyado sa ibang function o position sa pareho o ibang branch or outlet ng employer;
- Pagbabawas ng workhours or workdays kada linggo;
- Pagrorotate ng kung sinong empleyado ang papasok sa specific na araw ng linggo o buwan;
- Partial na pagsasara ng establishment kung saan ang ibang units o departments ng establishment ay itutuloy samantalang ang ibang units or departments ay isasara;
- Forced leave kung saan maaaring irequire ang ilang empleyadong magleave ng ilang araw o linggo na ginagamit ang kanilang mga leave credits kung mayron man; at
- Iba pang feasible na work arrangements considering ang mga peculiarities ng different business requirements.
Bago maimplement ang mga nasabing FWA, dapat ay magkaroon ng consultation sa pagitan ng employer at empoyees na maaapektuhan nito at kalaunan ay dapat magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawa. Bukod dito, dapat din pong manotify tungkol dito ang DOLE Regional/Provincial/Field Office na may jurisdiction sa inyong school. Kailangan din tandaan na ang mga nasabing FWA ay temporary lamang at gagamitin lamang habang mayroon pa ang pandemya o public health crisis.
Kung mayroong hindi pagkakasundo sa pagpapatupad ng batas at rules para sa service charges and/or flexible work arrangement, maaari ito ireklamo sa ilalim ng grievance mechanism ng kumpanya. Kung walang grievance mechanism ang kumpanya o kung ito ay mayroong pagkukulang, maaari ito ireklamo sa DOLE Regional Office na may jurisdiction sa kumpanya para magkaroon ng kaayusan. Maaaring makausap ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makikita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.