Sa kasalukuyan ay wala pa pong batas or issuance ang DOLE tungkol dito. Sa ganang ito, ang iiral pong batas ay ang kasalukuyang batas natin sa holiday pay. Ito ay nakapaloob sa Article 94 ng ating Labor Code na nagsasabing ang isang empleyado ay karaniwang may karapatan sa holiday pay katumbas ng isang arawang sahod para sa mga regular holidays. Kung nagtrabaho naman ang empleyado sa araw ng regular holiday, may karapatan siyang makakuha ng holiday pay katumbas sa doble ng kanyang arawang sahod (200% pay).
Ayon rin sa batas, walang karapatan ang isang empleyado sa kabayaran ng holiday pay kung siya ay naka-leave without pay sa araw bago ang regular holiday, at hindi rin siya nagtrabaho sa araw ng regular holiday.
Sa madaling salita, hindi pinapayagan ang pag-offset ng holidays ng bansa ng kliyente ng BPO companies kapalit ng holidays ng Pilipinas. Gayunpaman, maaari namang pumasok sa kasunduan ang employee at employer na ang susundin na holidays ay ang sa bansa ng kliyente. Binibigyan kasi ng kalayaan ng ating batas ang dalawang panig na magkasundo sa mga ganitong bagay.
Para sa mas detyadong detalyadong pagsusuri at gabay para sa inyong sitwasyon, maaaring sumangguni sa lokal na Department of Labore and Employment office sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.