Ayon sa Supreme Court (People v. Roa, G.R. No. 186134, May 6, 2010), ang buy-bust operation ay itinuturing na saklaw ng unang exception na nabanggit sa itaas. Kung sa harap ng pulis ay walang krimeng naganap o nagaganap, maaaring sabihin na walang katwiran para magsagawa ng buy-bust operation at ng warrantless arrest.
Bukod dito, ayon sa Supreme Court (People v. Dumanjug, G.R. No. 235468, July 1, 2019), para masiguro na ang drugs na nakuha sa buy-bust operation ay ang eksaktong gagamitin bilang ebidensya sa korte, kailangan ng strict compliance sa sumusunod na proseso sa chain of custody ng drugs na nakuha mula sa buy-bust operation:
(1) ang nakuhang drugs ay agad na iimbentaryuhin at kukuhanan ng litrato pagkatapos ng pagkuha nito;
(2) ang pag-iimbentaryo at pagkuha ng litrato ay dapat gawin sa harap ng: (a) akusado o ng kanyang kinatawan o abogado; (b) isang elected public official; (c) isang kinatawan mula sa media; at (d) isang kinatawan mula sa DOJ, kung saan lahat sila ay kailangan pumirma sa imbentaryo at mabigyan ng kopya nito.
Ang hindi pagsunod sa nabanggit na proseso ay maaaring gamiting katwiran para sa pag-abswelto ng akusado sa kaso.