Hindi ito pwede.
Ang ibig pong sabihin ng co-maker sa isang loan or utang ay maaari rin siyang singilin sa utang na nabanggit. Ayon rin sa ating batas dapat ang isang tao ay may consent sa kontrata bago ito maging binding sa kanya. Sa makatuwid, kung walang pahintulot ng taong gagawing co-maker ay hindi siya pwedeng mabind ng kontrata kaya hindi rin siya pwedeng singilin na parang co-maker nga talaga.
Pinapaalala rin namin na kung sakaling ibibigay ang pangalan at iba pang detalye ng nais maging co-maker nang walang pahintulot niya ay pwedeng masaklaw ng violation ng Data Privacy Act ang ganitong gawain.