Ang tawag sa inyong nabanggit ay non-compete clause. In general po, ang non-compete clause o agreement between employer at employee ay valid dahil ayon sa ating batas pinapayagan ang lahat na pumasok sa isang kontrata basta ito ay hindi contrary to law, morals, good customs, public order or public policy. Ang tanging requirement lamang ng Supreme Court sa mga non-compete clause ay mayroong reasonable limitations as to time, trade, and place and the restraint upon one party is not greater than the protection the other party requires. Kung ang mga nabanggit na requirements ay present sa inyong non-compete clause o agreement na pinirmahan, ito ay valid at binding sa inyo. May mga naging desisyon na ang Supreme Court na nagsasabing valid ang non-compete clause na nagpapataw ng restriction for 1-2 years sa resigned employees to work for another company in the same industry.
Makikita rin ninyo sa nasabing non-compete agreement ang mga danyos na maaaring bayaran ninyo kung iviolate ninyo ang nasabing agreement.
Kung valid ang non-compete agreement ayon sa mga nabanggit sa taas, maipapayo pong sundin ninyo ang nakasaad dito upang maiwasang magkaroon ng liability para sa danyos.
Kung sakaling tumanggi naman kayong pumirma dito, may karapatan din ang employer na hindi kayo tanggapin bilang empleyado para maprotektahan ang interes nito.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.