Ang paninirang-puring pinaparusahan sa kasong libel- sakop ang imahe ng mga taong pumanaw na.
Klaro ito sa Article 353 ng Revised Penal Code: “A libel is a public and malicious imputation of a crime, or of a vice or defect, real or imaginary, or any act, omission, condition, status, or circumstance tending to cause the dishonor, discredit, or contempt of a natural or juridical person, or to blacken the memory of one who is dead.”
Kung ang pahayag ay nakaka-dungis sa alaala ng namayapa na, pwede ‘yang ituring na libel. Sa kaso, kailangang patunayan ang sumusunod:
- a) Una- Alegasyong mapanirang-puri;
- b) Pangalawa- Papgapahayag sa publiko o publication;
- c) Pangatlo- Pagtukoy ng identidad ng sinisiraan; at
- d) Pang-apat- Malisyosong intensyon sa paggawa nito.
Dahil lang pumanaw na ang isang tao, hindi ibig sabihin na pwede nang magsalita nang kahit anong gusto tungkol dito.
Kung kumpleto ang elements- libel ito at may parusa pa rin sa batas.