Problema ng ilang mga nagtatrabaho sa BPO ang pagkakaroon ng ”no work, no pay” policy kapag na-pull out ag isang account, kahit hindi ito nakasaad sa pinirmahang kontrata.
Ano nga ba ang sinasabi ng Labor Code ukol dito?
Sa Labor Code, pinapayagan ang kumpanya na pansamantalang itigil ang employment ng empleyado, base sa suspension ng business operations o partikular na undertaking nito.
Tinatawag itong “floating” o “furlough” status, at habang floating, puwedeng mag-apply ang no-work, no-pay policy.
Gayunman, hindi ito puwedeng gawin basta-basta, at may mga requirement at limitasyon ang batas:
- Una, dapat ito ay gawin in good faith, at hindi para iwasan ang pagbigay ng nararapat na benefits ng empleyado. Ibig sabihin, dapat patunayan ng kumpanya na totoong may pangangailangan- halimbawa para iwasan ang pagkalugi at tuluyang pagsar nito;
- Pangalawa, dapat magbigay ang kumpanya ng ng 1-month prior notice sa empleyado at sa DOLE Regional Office. Hindi puwedeng biglaang gawing floating ang empleyado ;
- Pangatlo, ang floating status ay dapat ‘di lalagpas sa 6 months. Sa panahon ng krisis tulad ng pandemya, puwede itong ipa-extend pa ng 6 months, pero kailangan itong pag-usapan ng kumpanya sa empleyado at i-report muli sa DOLE.
- Pang-apat, pagkatapon ng floating status, dapat ire-instate na ng kumpanya ang empleyado (“return to work”).
Kung hindi pabalakin, maaaring kasuhan ang kumpanya ng illegal dismissal.
Kung hindi pabalikin ang empleyado at mag-desisyon ang kumpanya sa termination based on authorized causes, may karapatan ang empleyadong sa separation pay as appropriate, at ang unang 6 months na floating ay dapat isama sa computation ng separation pay.
Habang floating status, puwedeng humanap ng alternative work ang empleyado nang hindi nawawala ang employer-employee relationship sa original na kumpanya.
Bukod sa temporary suspension ng employment, pinapayagan rin ang alternative work arrangements para balansehin ang interes ng empoyer at employee sa panahon ng pandemya.
Kasama rito ang:
- Reduction of Workdays;
- Rotation of Workers; at
- Forced leave (employees required to use leave credits, if any).
Bago ito gawin, kailangan ring i-report ng kumpanya ang plano sa DOLE .
Kung hindi sundin ng kumpanya ang requirements na ito, maaaring mag-report sa DOLE Regional Office sa lugar ng pinagtatrabuhuan, o sa DOLE Hotline 1349.