Nakasaad sa Section 20, Article III ng 1987 Constitution na walang tao ang maaaring makulong dahil sa simpleng hindi pagbayad ng utang. Ang tanging exception ay kung mapatunayang gumamit ng panloloko o deceit ang nangutang para makakuha ng loan, na maaaring maging covered ng krimen ng Estafa- na may parusang pagkabilanggo.