Maaaring sampahan ng kaso ang isang minor pero ang civil at criminal liability nito ay depende sa circumstances.
Para sa criminal liability na sa pangkalahatan ay nasa anyo ng pagkulong o pagbabayad ng multa, ayon sa Juvenile Justice Welfare Act, ang batang 15 years old or under ay exempt from criminal liability, pero kailangan nitong mag-undergo ng intervention program. Ang batang above 15 years old pero below 18 years ay exempt rin sa criminal liability at kailangan mag-undergo ng intervention program, maliban na lamang kung siya ay kumilos ng may discernment o kung malinaw sa kanya kung tama o mali ang kanyang mga gawain.
Para naman sa civil liability na sa pangkalahatan ay nasa anyo ng pagpapatupad ng isang gawain o pagbabayad ng danyos, ayon sa Article 2180 ng Civil Code, ang mga magulang ang responsable para sa mga pinsalang dulot ng mga minor children na kasama nila sa kanilang tirahan maliban na lamang kung sila ay nag-observe ng diligence of a good father of a family para maiwasan ang pinsalang naidulot.