Hindi.
Sa Celis v. Cafuir, nagpasya ang Hukuman na kahit ipagkatiwala ng isang magulang ang kustodiya ng bata sa ibang tao (kaibigan, ninong o ninang) hindi ito maituturing na pagtalikod sa parental authority. Kahit malinaw ang pagpapahayag ng pagtalikod, hindi pa rin ito pinapayagan ng batas.
Ang tanging legal na proseso kung saan maaaring piliin ng isang magulang na bitiwan ang parental authority ay kung nasunod ang legal na proseso ng pag-aampon sa kanilang anak.