Ang mga just and authorized causes sa ilalim ng Labor Code ay nag-aapply lamang sa regular employees.
Naipaliwanag na ng Supreme Court na ang pag-determine kung merong employer-employee relationship ay base sa circumstances ng sitwasyon. Ang mga aspetong tinitignan ay ang mga sumusunod:
(a) the selection and engagement of the employee;
(b) the payment of wages;
(c) the power of dismissal; and
(d) the power to control the employee’s conduct.
Kung sa inyong arrangement ay walang regular wages (halimbawa, depende sa commission ang bayad), at walang power of control (halimbawa, malaya sa manner and method ng paggawa ng trabaho, at sarili itong responsibilidad), maaaring sabihing hindi empleyado ang isa- nagtatrabaho ito para sa kanyang sarili o itinuturing na independent contractor.
Sa ganitong sitwasyon, hindi ang Labor Code ang mangangasiwa sa inyong relasyon, kundi ang mismong kontrata.
Dahil dito, ang pagka-angkop ng kanilang ginawa ay maaaring base sa karapatan at obligasyon na nasa inyong kasunduan. Kung hindi ito ayon sa kontrata, maaari itong ituring na paglabag sa kontrata ninyo.