Opo, kailangan itong ibalik. Ang earnest money ay kadalasang halaga na napagkasunduan ng mga partido bilang parte ng purchase price, at paunang bayad lamang upang maipakita ang seryosong interes ng buyer sa pagbili. Bilang earnest money, ito ay ibabawas sa kabuuang purchase price na kailangan pang bayaran. Sa ilalim ng contract of sale, napagkasunduan ng mga partido na ibebenta ang isang bagay at kung di nga ito matuloy ay dapat maibalik din ang earnest money.