Sa isang bankruptcy, walang kakayahan ang bangko na bayaran o ibalik ang lahat ng halagang dineposit sa kanila ng mga clients o depositors. Gayunpaman, maaaring matanggap pa rin ng depositor ang kanyang pera dahil sa mandatory insurance sa mga deposits.
Kapag ang depositor ay nagdeposit ng pera sa bangko, nagiging sakop ito ng mandatory insurance na nakapaloob sa Republic Act No. 10846. Ibig sabihin, ang depositor ay may insurance coverage o kasiguraduhan na makukuha ang halaga ng dineposit na hindi lalagpas sa Php500,000 per depositor sa sitwasyong mawalan ng kakayahan ang bank na bayaran ang dineposit nap era.
Dahil dito, maaaring makuha ang halaga ng perang dineposit sa bangko mula sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) na hindi lalagpas sa limit na Php500,000.00. Mainam tandaan na ang Php500,000.00 na limit ay para sa bawat depositor sa bawat bangko regardless kung ilan ang account niya sa isang bangko.