Para sa cyber libel, libel, or slander (paninirang puri gamit ang binigkas na salita), hindi kailangang pangalanan ang offended person para masaklaw ng krimen. Kung mapapatunayan sa korte na kahit hindi napangalanan ay tukoy na tukoy ang isang tao na siya ang subject ng mapanirang puri na mga salita, pwede pa rin itong masaklaw ng mga nabanggit na krimen.