In general po, ang isang empleyadong naseparate sa employer, kagaya ng pagresign, ay entitled sa final pay. Kasama sa final pay ang mga sumusunod:
- Unpaid earned salary of the employee;
- Cash conversion of the unused Service Incentive Leave (5 days);
- Cash conversions of remaining unused vacation, sick or other leaves pursuant to a company policy, or individual or collective agreement, if applicable;
- Pro-rated 13th month pay;
- Separation pay, if applicable;
- Retirement pay, if applicable;
- Income tax claim of excess of taxes withheld;
- Other types of compensation stipulated in collective agreement;
- Cash bonds or any kinds of deposits due for return to employee;
In general naman po, ang separation pay ay binibigay sa isang empleyado kung ito ay natanggal dahil sa retrenchment, business closure, pagtigil ng operation ng business pansamantala, at iba pa. Ang isa rin pong sitwasyon kung kailan entitled ang employee sa separation pay ay kung siya ay napatunayang illegally dismissed pero hindi na posible ang reinstatement dahil sa tensed relationship nila ng kanyang employer. Exception naman dito kung nakasaad sa kanyang employment contract o sa collective bargaining agreement na mabibigyan sila ng separation pay kahit na labas sa mga nabanggit na sitwasyon.
Mapapansin na hindi kasama ang resignation sa nabanggit para sa separation pay. Ibig sabihin po, pwede kayong mabigyan ng separation lamang kung nasa employment contract ninyo ito or voluntary ibibigay ng employer. Hindi ito mandatory sa ilalim ng batas at hindi pwedeng pilitin ang employer na magbayad nito.
Kung sakali namang hindi mabayaran ng tama ang final pay, pwedeng magreklamo sa kinauukulan.
Kung ang money claims ninyo ay lagpas sa P5,000.00, maaaring magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) tungkol dito. Ang proseso pong ito ay masisimulan sa pamamagitan ng request for assistance para sa Single Entry Approach (SEnA) sa kaukulang regional arbitration branch ng NLRC na may sakop sa lugar ng inyong employer. Kung sakop naman ng NCR ang inyong employer, maaari kayong magfile online ayon sa nakasaad sa sumusunod na link: https://nlrc.dole.gov.ph/Node/view/TlYwMDAxOA.
Kung hindi naman lalagpas sa P5,000.00, ang reklamo ay dapat isampa sa Regional Director ng DOLE regional office na may sakop sa inyong office. Pwede rin pong gawin online ang pagreklamo sa link na ito: https://sena.dole.gov.ph/.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.