Hindi po dahil pumanaw ang nagsangla ay makukuha na agad ng pinagkautangan ang property.
Sa batas patungkol sa pagsangla ng lupa, o “real estate mortgage”, hindi pwedeng basta angkinin ng nagpautang ang sinanglang property.
Sa “real estate mortgage,” ang may utang ay ginagarantiya ang pagbayad sa pamamagitan ng pag-alay ng real property bilang security.
Ang umutang, tinatawag na “mortgagor.” Ang pinagkautangan naman, “mortgagee.”
Kung hindi makabayad ang mortgagor, ang karapatan ng mortgagor ay ibenta ang property at gamitin ang makukuha bilang bayad sa utang. Ang pag-rematang ito ay tinatawag na “foreclosure.”
Sa sitwasyon kung saan pumanaw na ang mortgagor, naipaliwanag na ng Supreme Court na ang mortgagee ay may tatlong (3) option lang:
- I-waive ang mortgage at i-claim ang utang mula sa estate (o naiwang pag-aari) ng mortgagor;
- I-foreclose ang mortgage judicially (o sa pamamagitan ng kaso sa korte) at singilin ang kulang kung meron; o
- Umasa nang buo sa foreclosure (na pwedeng gawin extrajudicially, o sa labas ng korte), nang wala nang karapatan singilin ang kulang.
Sa madaling salita, kahit pumanaw na ang may utang, hindi pwedeng basta angkinin ng nagpautang ang property na sinangla.
Ang pwede niya lang gawin-
Singilin ang utang mula sa naiwang ari-arian ng pumanaw, o kaya naman ay ay i-foreclose o ibenta ang property at gamitin ang halaga sa pagbayad ng utang.
Kung mababayaran naman ang utang ng ama, hindi mawawala ang property.