Malinaw na pinahihintulutan at dapat pahintulutan ng mga kinauukulan ang pangangasiwa ng community pantries, sa panahon man ng Enhaced Community Quarantine (ECQ) o Modified Enhanced Community Quarantine (MEQ) at ngayon maging sa anumang Alert Levels ng Covid man nakapaloob ang lugar..
Ayon sa IATF Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine in the Philippines (Section 2(2), “IATF Guidelines” as of April 15, 2021), tahasang pinapayagan ang pag-kilos ng lahat para sa access sa pagkain, na hindi makakailang isang essential good o and services. Ayon sa Section 2(3), kahit ang mga mas bata sa walumpong (18) taong gulang o mas matanda sa animnapu’t-limang (65) taon ay pinapayagan lumabas ng bahay para rito.
Bukod pa, malinaw na pinahihitulutan ng Section 2(4)(iii) ang mga pangangasiwa ng aktibidades na maihahalintulad sa community pantries tulad ng “public markets, supermarkets, grocery stores.” Sa Section 2(10) naman, nakasaad na ang pagpupulong o “gatherings” para sa “humanitarian activities” ay dapat payagan. Sa Section 7(2)(a)(4) naman, ang pag-kilos ng mga tao sa anumang uri ng quarantine ay pinahihintulutan para sa “humanitarian reasons.” Hindi rin makakailang ang kagustuhang makatulong sa mga nagugutom sa gitna ng pandemyang ay itinutiring na layuning “humanitarian.”
Mismong ang minimum public health standards ng Department of Health (“DOH”- Guidelines on the Risk-Based Public Health Standards for COVID-19 Mitigation (Section V(1)(1)) ang nagsasaad na lahat ng polisiya at aksyon ukol sa pagharap sa krisis na ito ay dapat naglalayong siguraduhing merong sapat na access ang lahat sa pagkain at nutrisyon, bilang kalasag laban sa sakit na Covid-19. Ang pag-limita sa access sa pangunahing pangangailangag ito ay malinaw na pagsalungat sa sariling polisiyang ng pamahalaan. Pinapayagan man ang community pantries, mahalaga pa ring mahigpit na masundan ang minimum public health standards ayon sa IATF at DOH.Mariing iminumungkahi ang pagpapatupad sa lahat ng (i) pagsuot ng face mask at face shield; (ii) g physical distancing na isang (1) metro o higit pa; (iii) madalas na pag-disinfect ng kamay at kapaligiran.
Maaari ring sumangguni sa lokal na pamahalaan (“LGU”- barangay, lungsod, o munisipyo) para malaman ang mga naaangkop na ordinansiya, tulad na lamang ng pagsunod sa curfew. Iminungkahi rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na i-konsulta sa LGU ng lokasyon ng community pantry kung sila ay mangangailangan ng permit para sa aktibidades nito.
Sa huli, maipagpapalagay na pinahihintulutan ngkasalukyang IATF Guidelines ang pangangasiwa ng community pantries (basta’t mahigpit na sumusunod sa minimm public health standards), at walang rason ang mga LGU na tumangging bigyan ng autorisasyon ang mga kasalukyang nangangasiwa rito at iba pang may nagnais na tumulong sa kapwa Pilipino sa ganitong paraan.
Kung hindi naman masunod ang minimum public health standards, ayon sa IATF Guidelines ay maaari itong ituring na “non-cooperation of the person or entities” sa ilalim ng Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, na may karampatang parusang pagkakulong o multa.
Gayunman, mismong ang dating Secretary of Justice na ang nagpahayag na hindi sakto ang aplikasyon ng batas na ito para sa paglabag ng alituntunin ng IATF ukol sa quarantine, at mas mabuting local na ordinansiya na lamang ang mamahala rito (https://www.rappler.com/nation/doj-now-says-do-not-detain-quarantine-violators-april-2021. Iminungkahi rin nitong dapat ay community service lamang ang ipataw sa mga violators, hindi pagkakakulong o multa. Mayroon na ring mga kasong mismong ang korte ang nag-desisyong hindi apropriyado ang batas na ito para sa paglabag ng mga alituntunin ukol sa quarantine, (tulad sa kaso nga mga namigay ng relief packs sa Bulacan), rason para i-dismiss ang mga kasong ito.