Pwede itong masaklaw ng Grave Coercion, Grave Threats, or Light Threats, depende na lamang kung sa aling krimen papasok ang mismong ginawa:
Maaari pong pumasok sa kasong grave threats ang ginawa kung:
(1) Ang offender ay nagbanta na gagawan ng mali ang biktima, ang kanyang puri o property, o ang kanyang pamilya o ang kanilang puri o property;
(2) Ang nasabing mali na gagawin ay krimen; at
(3) Walang kundisyon kung saan nakasalalay ang pagbabanta.
OR
(1) Ang offender ay nagbanta na gagawan ng mali ang biktima, ang kanyang puri o property, o ang kanyang pamilya o ang kanilang puri o property;
(2) Ang nasabing mali na gagawin ay krimen;
(3) Mayroong demand sa biktima na magbigay ng pera or may ibang condition na imposed, kahit hindi ilegal; at
(4) Nakuha ng offender ang kanyang purpose sa paggagawa ng pagbabanta.
Light Threats naman kung:
(1) Ang offender ay nagbabanta na gagawa ng mali;
(2) Ang maling gagawin ay hindi krimen;
(3) Mayroong demand sa biktima na magbigay ng pera or may ibang condition na imposed, kahit hindi ilegal; at
(4) Whether or not nakuha ng offender ang kanyang purpose or hindi.
Grave Coercion naman kung:
(i) ang biktima ay pinigilan ng akusadong gawin ang bagay na hindi labag sa batas o pinilit gawin ang anumang bagay;
(ii) ang pamimilit ay sa pamamagitan ng puwersa, dahas, banta, o pananakot; at
(iii) ang akusado ay walang karapatan gawin ito.
Kung sakaling online ito ginawa, maaaring mas mataas ang parusang kulong and/or multa ayon na rin sa Cybercrime Prevention Act.