Mayroon po.
Ayon kasi sa Article 2176 ng Civil Code na nagsasabing sinumang magcause ng damage dahil sa kanyang ginawa or hindi nagawa, kung mayroong fault or negligence, ay obligadong magbayad para sa nagawang damage. Ayon din sa Article 2183, The possessor of an animal or whoever may make use of the same is responsible for the damage which it may cause, although it may escape or be lost. This responsibility shall cease only in case the damage should come from force majeure or from the fault of the person who has suffered damage.
Mayroon din pong batas na ginagawang mandatory na macontrol ng may-ari ang kanyang aso. Ayon sa Anti-Rabies Act, kasama sa responsibilidad ng owner ang “Maintain control over their Dog and not allow it to roam the streets or any Public Place without a leash.” Kung mapatunayang nagkasala sa batas na ito naman ay may parusang multa na P500.00 sa bawat beses na mahuli.