Meron po. Maaari itong saklaw ng Safe Spaces Act, o R.A. No. 11313 sa ilalim ng gender-based online sexual harassment. Sa ilalim ng batas na ito, maaaring maharap sa pagkakakulong ng hindi bababa sa anim na buwan at/o fine sa halagang hindi bababa ng P100,000 hanggang P500,000. Maaari ka ring humingi ng restraining order sa laban sa taong ito, para na rin sa iyong proteksyon.
Pwede ring masaklaw ng acts of lasciviousness ang pambabastos na ginagawa online. Ang elements nito ay:
(i) ang akusado ay gumawa ng akto ng panghahalay o pambabastos (halimbawa, panghihipo);
(ii) ito ay nagawa na mayroon ang alinman sa sumusunod:
(a) May force or intimidation;
(b) Sa pamamagitan ng fraudulent machination or grave abuse of authority;
(c) Kung ang biktima ay deprived of reason or unconscious; or
(d) Kung ang biktima ay below 12 years of age.
(iii) ang biktima ay anumang kasarian.
Masasabi namang mas mataas ang parusang kulong at multa ng Acts of Lasciviousness na ito dahil ginawa sa pamamagitan ng paggamit ng internet ayon na rin sa Cybercrime Prevention Act.