May karapatan ba ang estudyanteng mag-voice out ng concerns, kritisismo, at opinyon laban sa paaralan- nang walang takot sa repurcussions mula dito?
Meron.
Idineklara na ng ating Supreme Court:
Students do not “shed their constitutional rights to freedom of speech or expression at the schoolhouse gate.”
Supreme Court
Ibig sabihin, sa pagpasok sa paaralan ay hindi nawawala sa estudyante ang kalayaang magpahayag ang saloobin.
Protektado ang pagpapahayag kahit ito ay “extremely critical, at times even vitriolic” , at hindi pwedeng ma-kick-out o hindi payagang mag-enroll dahil sa paggamit ng karapatang ito.
PERO- hindi rin ibig sabihin na pwede gawin ng estudyante anuman ang gusto; at wala nang awtoridad ang educational institutions na i-disiplina sila.
Ayon rin sa Korte:
“[C]onduct by the student, in class or out of it, which for any reason — whether it stems from time, place, or type of behavior — materially disrupts classwork or involves substantial disorder or invasion of the rights of others is, of course, not immunized by the constitutional guarantee of freedom of speech.”
Supreme Court
Habang may karapatan ang estudyante sa freedom of speech and expression, pwede silang i-displina ng school kung ang paggawa nito ay nakakagulo sa pagtuturo ng paaralan, o nakakadulot na ng pinsala at paglabag sa karapatan ng iba.
Kaya sa ating mga estudyante- speak up and use your voice.
But always- with responsibility and due regard for the rights of others.