Ayon sa Magna Carta for Homeowners and Homeowners’ Associations, ang HOA ang may kapangyarihang mag-regulate ng access o passage sa subdivision/village roads para panatiliin ang privacy, tranquility, internal security, safety at traffic order ng isang subdivision. Pwede niyo pong itanong kung ano ang basehan ng pagcharge ng gate fee, kung ito ba ay pinagbotohan ng inyong HOA at sinang-ayunan ng majority ng mga miyembro nito. Kailangan din na nasa By-Laws ng inyong HOA ang kapangyarihang maningil ng sinasabing “gate fee” para masabing ito ay legal at naaayon sa batas.
Kung hindi dinggin ng HOA o di kaya naman ay wala sa By-Laws ng HOA ang kapangyarihang maningil ng nasabing “gate fee”, ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development Act ay maaaari ninyong i-reklamo ito sa Human Settlements Adjudication Commission (dating HLURB). Maaari silang ma-contact sa numerong +63 947 882 6297 o padalhan ng email sa info@hsac.gov.ph.