Meron po. Bilang mga anak, sila ay maituturing pa ring kasama bilang mga compulsory heirs o tagapagmana ng yumao nilang ama.
Depende na lamang ang shares ng bawat isa pagdating sa kung sino ang legal na asawa sa dalawang pamilya ng yumao. Ayon kasi sa Civil Code, ang share ng illegitimate child ay equal lamang sa kalahati ng share ng isang legitimate child. Kaya importante pong malaman kung alin sa mga anak ang legitimate at illegitimate.