Ang panduduro ay maaaring pumasok sa krimeng slander by deed. Ang mga elemento naman ng krimeng ito na lahat din ay dapat present ay:
(1) Ang “act” na ginawa ng offender ay hindi kabilang sa iba pang mga crimes against honor (libel, intriguing against honor, slander, at iba pa);
(2) Ang naturang “act” ay ginawa sa presensiya ng ibang tao o mga tao; at
(3) Ang naturang “act” ay nag cast ng dishonor, discredit or contempt sa offended party.
Pwede pong example ng krimen na ito ay ang panduduro, pananampal, panunulak sa publiko hanggang matumba ang tao para ipahiya siya, at anumang actions na makakapagpahiya sa tao na hindi naman masasaklaw ng krimen ng physical injuries. Mayroon itong karampatang parusang kulong and/or multa.
Kung di naman saklaw ng krimeng ito ay pwede ring masaklaw ito ng Unjust Vexation. Ayon sa Supreme Court, ang Unjust Vexation ay krimen na malawak ang saklaw kung saan napapaloob dito ang anumang gawain ng taong nagdadala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa kaisipan ng taong pinatutunguhan ng nasabing gawain. Mayroon din itong karampatang parusang kulong o/at multa.
Ang elements naman nito ay:
(1) Mayroong human conduct ang offender na unjustly annoys or irritates ang biktima;
(2) Ang human conduct na ito ay ginawa ng offender nang walang violence;
(3) Ang human conduct na ito ng offender ay nagdala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa biktima;
(4) Ang paggawa nito ng offender ay ginawa nang may criminal intent o sinadyang gawin para sa purpose na nabanggit;