Ang mga iniipon nating barya, kahit maliliit ang denominasyon ay considered pa ring legal tender at pwedeng ipambili!
Pero alam niyo na bang may limitasyon sa dami ng baryang pwedeng gamitin sa isang transaksyon?
Kawawa rin naman kasi sigruo ang nagbebenta kung napakamahal ng bibilhin, kunwari refrigerator, pero ang gamit- barya!
Kaya sa Section 52 ng New Central Bank Act , in relation to Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular No. 1162, Series of 2022 , heto ang mga limits:
Una — Kung ang naipong barya ay mga 25 Centavo coins o lower (halimbawa, 10, 5 o 1 centavo coins), hanggang halagang P200.00 ang pwedeng ipambili dito.
Ang mga sentimong naipon- pwedeng ipambili ng 2-piece chicken!
Ang mga 20, 10, 5, o 1 Peso coins naman, hanggang halagang P2,000.00 ang pwedeng ipambili.
Ang ganitong naipon na barya- pwedeng ipang-party at ipambili ng 16-piece bucket ng chicken at dalawang family pan ng palabok!
Dati, ang limit ay P100 at P1,000 lang, pero tinaasan ito ng BSP to P200 and P2,000 para i-encourage ang publikong gamitin ang coins at palawakin ang sirkulasyon nito.