Depende ito sa dahilan ng pagsasara ng kumpanya. Kung sakaling ito ay dahil sa serious business losses, hindi obligado ang kumpanya na bayaran ang employee.
Kung ang employee ay tatanggalin dahil sa retrenchment or dahil sa business closure not due to serious business losses or financial reverses, ayon sa Labor Code, siya ay entitled sa separation pay. Nakasaad sa Labor code na ang amount nito ay equivalent to at least one (1) month pay or at least one-half (1/2) month pay for every year of service, whichever is higher. A fraction of at least six (6) months shall be considered as one (1) whole year.
Para sa mas masusing gabay ukol dito, maaaring sumangguni sa DOLE hotline 1349, o tawagan ang angkop na DOLE Regional Office sa inyong lokasyon sa mga numerong makkita sa sumusunod na link: http://ble.dole.gov.ph/index.php/contactusmenu/115-dole-regional-offices.