Mayroon po. Ayon sa Data Privacy Act o RA 10173, meron tayong karapatan na maprotektahan ang ating personal na impormasyon at masiguradong alam natin ang layunin sa paggamit nito, ang paggamit ay para lamang sa lehitimong layunin, at ang impormasyong gagamitin ay siya lamang kinakailangan para sa napahiwatig na layunin.
Sa pangkalahatan, maaari lamang kolektahin o gamitin ang personal na impormasyon ng isang tao (kasama dito ang pictures o videos ng tao, ayon na din sa National Privacy Commission) kung siya ay nagbigay ng nakasulat na pahintulot (halimbawa, sa pamamagitan ng paglagda ng isang consent form). Kung walang nakasulat na pahintulot, maaaring makasuhan ayon sa RA 10173.
Bukod dito, maaari rin itong masaklaw ng krimen ng Unjust Vexation. Ayon sa Supreme Court, ang Unjust Vexation ay krimen na malawak ang saklaw kung saan napapaloob dito ang anumang gawain ng taong nagdadala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa kaisipan ng taong pinatutunguhan ng nasabing gawain. Mayroon din itong karampatang parusang kulong o/at multa.
Ang elements naman nito ay:
(1) Mayroong human conduct ang offender na unjustly annoys or irritates ang biktima;
(2) Ang human conduct na ito ay ginawa ng offender nang walang violence;
(3) Ang human conduct na ito ng offender ay nagdala ng annoyance, irritation, torment, distress or disturbance sa biktima;
(4) Ang paggawa nito ng offender ay ginawa nang may criminal intent o sinadyang gawin para sa purpose na nabanggit;
Nagkaroon ng takot ang anak ko sa pagpasok sa school dahil kay Ms Ellen na teacher nya. Kaya kinausap ko ang teacher at ni-request na ilipat ng ibang teacher dahil naninigaw at tinatakot ang anak ko na ibabalik sa kinder pag di nakasagot at nagbasa, ipinagbawal din po ng guro na magtanong sa lessons dahil dapat makinig at di na nya uulitin ang sinabi. Dito nagsimula lahat ng mga di magandang bagay mula ng malipat at iparating ko sa principal ang nangyari. Pinabayaan ng bagong teacher mag roaming around ang anak ko sa loob ng school. At nun din unang pagkakataon ang pag report nya na nasa labas at ibang floor ang anak ko during class. Hinayaan dn nya maulanan kahit ang iba ang kaya nman syang papasukin sa office para wag maulanan. May 2 magulang dn na nagsabi sa chat grp na salbahe at bully dw ang anak ko kahit 1st time pa lang dw nagsumbong ang anak nya. Di nila binanggit ang pangalan ng anak ko pero narun ung unang bagay na nagawa ng anak ko nung nagsimula ang klase ng biruin ng anak ko ang kaklase nyang lalaki at i-pull ang hair habang nakaupo at nakatalikod. Kaya alam mo sino ang sinasabi nila. Kinuhaan dn ng video ng asawa ng unang teacher ang anak ko na walang pahintulot ko habang nsa loob ng school at ito ay pinapakita sa iba at sinasabi na tignan ang anak ko na di marunong sumunod at nsa labas ng room habang may klase. Pero ng sinabi na pumasok sa room sumunod naman ang anak ko. Ang anak ko po ay 7 yrs old nung Oct 17 lamang. Si Mang Mente ay nagse service ng tricycle dun sa mga studyante sa school pero malaya syang kuhaan ng video ang anak ko. Nagkaroon po ako ng kopya dahil pinadala nung isang pinadalhan ni Mang Mente sa akin. May laban po ba ako sampahan ang nabanggit na mga tao. Ano po steps dapat kong gawin? Inihanap ko ng ibang school ang anak ko dahil pinagkaisahan na nila ito. Di makatarungan ginawa nila, dahil lamang sa request ko at pagreklamo ko sa ugali ng teacher nagulo pag aaral ng anak ko po.
Please guide me po.
Salamat po.
hello po atty. chel sana po matulungan niyo po nabiktima ng link na https://cafetapaypetcompetition-ltd.vercel.app/ eto po yung link na kung saan pagkatapos po magvote at kuhanin ang loob mo para ivote ang pusa kukuhanin at kinakalat po nila ang mga private photos na nabiktima nila at gagamitin din ang facebook account mo para may mabiktima pa ibang tao atty chel sana matulungan niyo po kami nahack po mga personal account namin pati kaibigan ko po kinakalat mga personal photo or info sa telegram
May kaso po ba sa taong kumuha ng picture ko at ginawamg profile at cover photo sa facebook ng walang pahintulot